34 arestado sa anti-criminality operation sa Pasay

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 06:27 AM

Umabot sa 34 na katao ang pinagdadampot sa isinagawang anti-criminality campaign sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay City sa magdamag.

Ayon kay Supt. Deanry Francisco ng Pasay City police, kabilang sa mga nadakip ang mga naaktuhang nag-iinuman sa kalsada na labag sa ordinansa ng lungsod.

Mayroon ding nahulihan ng baril at mga bala.

Dinampot din ang mga barker na nagtatawag ng mga pasahero sa mga hindi tamang sakayan.

Aniya, lalo lang nagdudulot ng traffic ang pagtatawag ng mga pasahero sa hindi tamang sakayan gayung mayroon namang designated na lugar kung saan talaga dapat magsasakay.

Regular na isinasagawa ang anti-criminality operation sa lungsod upang masawata ang mga lumalabag sa ordinansa.

TAGS: anti criminality campaign in Pasay City, police operations, Radyo Inquirer, anti criminality campaign in Pasay City, police operations, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.