Sa 4am weather update ng PAGASA, sinabi ni Senior Weather Specialist Chris Perez na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Pinapayuhan ang mga residente sa naturang mga lugar na maging alerto sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga panandaliang pulo-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, nakataas ang gale warning sa mga baybayin mula hilagang baybaying dagat ng Ilocos Norte hanggang sa baybayin ng Eastern Samar.