Early registration ng mga estudyante para sa SY 2019-2020 simula na bukas
Simula na bukas, (Jan. 26) ang early registration ng mga estudyanteng papasok sa mga pampublikong paaralan para sa school year 2019-2020.
Ang mga kailangang magpa-early registration ay ang mga estudyanteng papasok ng Kindergarten, Grades 1, 7 at 11.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Aevilla layon ng early registration na matukoy ang dami ng bata na papasok sa susunod na taon para malaman ang kailangang budget.
Paghahanda rin ito para sa mga paaralan, division superintendents at regional directors upang hindi mabulaga sa dami ng mga estudyante.
“Kailangan na naming mag-estimate, for example sa budget. This is also in preparation ng ating mga schools on the ground, division superintendent, and regional directors kasi nabubulaga tayo na maraming mga bata,” ani Aevilla.
Inaasahang nasa isang milyon ang papasok ng kindergarten at 1.5 milyon naman sa senior high school sa paparating na taong panuruan.
Tatagal ang early registration ng isang buwan o hanggang February 25.
Hindi na kailangang magpalista sa early registration ang Grades 2-6, 8-10 at Grade 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.