Petisyong taas-pasahe sa LRT-1 tinutulan ng LRTA
Tutol ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mungkahing taas-pasahe ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mass transit.
Nais itaas ang minimum na pasahe mula P15 tungong P16 at ang maximum fare mula P30 hanggang P39.
Ito ay para mapaganda umano ang serbisyo sa LRT 1.
Gayunman, tutol ang LRTA sa mungkahi dahil kawawa umano ang commuting public.
Ayon kay LRTA administrator Ret. Gen. Reynaldo Berroya ang train operations ay isang serbisyo publiko at hindi dapat pinagkakakitaan.
Ito anya ang dahilan kung bakit subsidized ng pondo ng gobyerno ang operasyon ng tren.
Batay sa concession agreement ng LRMC, kada dalawang taon ay pwede silang magtaas ng pasahe ng 10 porsyento ngunit dapat ay aprubado ng Board of Principals ng LRTA.
Samantala, tutol din ang LRTA sa panukalang palawigin ang operating hours ng mga tren.
Ito ay dahil hindi naman umano naging epektibo ang pagpapalawig ng operating hours ng MRT sa panahon ng administrasyong Arroyo dagdag pa ang isyu ng kalumaan ng mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.