Nagsagawa ng ocular inspeksyon ang mga miyembro ng komite at ilang opisyal ng gobyerno kahapon (Jan.24) kasabay ng ikinakasang rehabilitasyon sa dagat.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nakita nila ang mga paglabag na naganap at aalamin kung compliant ba ang mga establisyimento sa sewerage treatment plant (STP).
Iginiit ni House Committee chair Representative Winnie Castelo na alinsunod sa batas, bawal magtayo ng negosyo kung walang STP.
Anya, kung walang STP, malinaw na ang basura ay itinatapos ng mga establisyimento sa Manila Bay.
Nakatakda namang ilabas ng DENR ang listahan ng mga establisyimento sa Manila bay na lumabag sa environmental laws.
Tiniyak ng kagawaran na tutulong sila sa komite at pananagutin umano ang mga nagbigay ng compliance certificates sa mga hindi sumusunod na establisyimento.