P3M halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa North Cotabato
Nasamsam ng mga pulis sa magkahiwalay na operasyon laban sa dalawang tulak ng droga sa North Cotabato ang tinatayang P3 milyong halaga ng shabu.
Nasa kalahating kilo ng droga ang nakuha mula sa umano’y drug pusher na si Boy Maguid, residente ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay PDEA 12 spokesperson Kath Abad, dahil sa dami ng nakuhang ebidensya ay itinuturing nilang big-time pusher si Maguid.
Ang suspek ay nagtutulak umano sa Maguindanao at mga katabing lalawigan.
Nakuha naman mula kay Dwight Togonon ang apat na sachet ng droga sa operasyon sa Kabacan, North Cotabato.
Si Togonon ay kabilang sa target list ng PDEA 12.
Hawak ng Kabacan Police si Togonon habang nakakulong sa selda ng Midsayap si Maguid.
Mahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.