Pacquiao, balik-bansa na matapos ang laban kay Broner

By Len Montaño January 25, 2019 - 12:15 AM

Balik-bansa na si Senator Manny Pacquiao na magaling na ang kanyang mata matapos ang panalo kay Adrien Broner.

Sa kanyang pagdating Huwebes ng gabi, wala ng eye patch sa mata ni Pacquiao.

Ayon sa WBA welterweight champion, okay na ang kanyang mata kaya nagpasalamat siya sa Diyos sa kanyang mabilis na paggaling.

Nagalusan ang cornea ni Pacquiao matapos ang laban kay Broner.

Kasamang umuwi ng pambansang kamao ang misis na si Jinkee at bunsong si Israel nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa Los Angeles.

Masaya si Pacquiao na marami ang nanood sa laban nila ni Broner sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa posible namang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr., sinabi ni Pacquiao na wala pa silang inisyal na usapan ukol dito.

Samantala, walang komento si Pacquiao sa posibilidad na inside job ang nangyaring pagnanakaw sa bahay nito sa LA at kumpyansa naman ito sa imbestigasyon ng mga otoridad.

TAGS: pacman, Pacquiao back in PH, Pacquiao vs. Broner, pacman, Pacquiao back in PH, Pacquiao vs. Broner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.