Oil price hike nagbabadya sa susunod na linggo

By Len Montaño January 25, 2019 - 01:03 AM

Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo habang may dagdag presyo sa liquified petroleum gas (LPG) sa unang weekend ng Pebrero.

Ito ay matapos tumaas ng P0.65 ang presyo ng imported diesel at P0.40 sa gasolina sa unang 3 araw ng kalakalan sa linggong ito.

Kapag natuloy, ito na ang ika-apat na sunod na linggo ng oil price increase ngayong Enero.

Dahil sa serye ng taas presyo, nadagdagan pa ang mga gasolinahan na nagpataw ng mas mataas na excise tax sa petrolyo.

Samantala, nakaamba rin ang dagdag presyo sa LPG sa susunod na weekend.

Nasa pagitan ng P0.60 at P1.50 ang posibleng dagdag presyo sa LPG.

Una nang sinabi ni LPG Marketers’ Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty na ang taas presyo sa LPG ay dahil sa paggalaw ng presyo sa world market.

Ngayong buwan ay ilang brand na ng LPG ang nagdagdag ng mahigit P12 sa kada regular na tangke dahil pa rin sa mas mataas na buwis sa langis.

TAGS: liquified petroleum gas (LPG) price hike, oil price hike, liquified petroleum gas (LPG) price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.