Mahigit 100 hotel guests at staff, hostage ngayon sa Mali

Mali
Mula sa Jeune Afrique

Hawak ng mga armadong lalaki ang mga guests at staff ng isang hotel sa Bamako, Mali.

Ayon sa report ng Agence France Presse, nagpaputok muna ng baril ang mga suspek sa ikapitong palapag ng Radisson Blu hotel.

Ang nasabing hotel ay mayroong 190 na kwarto at karamihan sa mga guest nito ay pawang dayuhan.

Ayon sa isang tagapagsalita ng Carlson Rezidor Hotel Group, hawak ng hindi pa matukoy na bilang ng mga suspek ang 140 na guests at nasa 30 empleyado na nasa loob ng hotel.

Sa ulat naman ng French RFI radio, dumating ang tatlong attackers sakay ng diplomatic cars at nagsimula nang mamaril sa garden ng hotel at saka tuluyang pumasok sa gusali.

Read more...