Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kailangan ng Ministry of Health ng Saudi Arabia ang 1,000 na babaeng specialist nurse.
Para maging kwalipikado, kailangan na ang aplikante ay graduate ng Bachelor of Nursing, may Professional Regulation Commission (PRC) Board license at 2 taong kaukulang karanasan.
Ang mga aplikante ay mayroong hanggang January 25 para magsumite ng kanilang aplikasyon at mga dokumento sa anumang POEA Regional Office at hanggang February 1 kung magsusumite sa POEA Central office.
Samantala, ang National Ambulance Company sa Abu Dhabi ay naghahanap ng 150 emergency medical technicians (EMTs).
Ang mga gustong mag-apply ay dapat graduate ng Bachelor of Nursing, nakakumpleto ng internationally recognized EMT-Basic course at 8 buwan na karanasan bilang EMT.
Ayon sa POEA, ang deadline sa pagsumite ng aplikasyon ay sa Janaury 31.
Kailangan naman ng German Federal Employment Agency ng 400 nurse at hanggang February 28 ang deadline sa submission ng application.