Talunang bidder maaring may pag-asa pa kapag narevoke ang prangkisa ng Mislatel
Walang nakikitang problema ang Palasyo ng Malakanyang kapag narevoke ang prangkisa ng third telco player na Mislatel kahit na ang may-ari pa nito ay malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy.
Ito ay dahil sa kabiguan ng Mislatel na makapag-operate isang taon matapos mapagkalooban ng prangkisa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador panelo, maari namang pumasok ang mga talunang bidder kapag na default ang winning bidder na Mislatel.
Dagdag ni Panelo, hindi maaring makompromiso ang operasyon ng third telco player dahil nakasalalay ang kapakanan ng bansa.
Pero sa pagkakaalam ni Panelo, pinabulaanan na ng kompanyang Mislatel na ‘deemed revoked’ na ang kanilang prangkisa.
Una rito, sinabi ng pangulo na dapat na maginng operational na ang third telco player sa taong 2019 sa pagnanais na mabuwag ang duopoly ng Globe at Smart dahil sa hindi magandang serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.