Duterte nais papanagutin ang mga pabayang magulang sa isinusulong na pagbaba ng edad sa criminal liability

By Chona Yu January 25, 2019 - 12:01 AM

INQUIRER file photo

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na papanagutin sa batas ang mga magulang ng mga batang nagkakasala sa batas.

Pahayag ito ng Palasyo matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa sa Kamara na ibaba sa labing-dalawang taong gulang sa halip na labing-limang taong gulang ang criminal liability ng mga bata.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat maisingit sa probisyon ng panukala na dapat na maging accountable din ang mga pabayang magulang.

Pero ayon kay Panelo, ideya lamang ito ng pangulo at bahala na ang mga mambabatas kung ilalagay sa probisyon ang criminal liability ng mga magulang.

TAGS: criminal liability, lowering the age of criminal liability, Malacanan Palace, Rodrigo Duterte, criminal liability, lowering the age of criminal liability, Malacanan Palace, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.