Dismayado ang Palasyo ng Malakanyang sa kabiguan ng pamahalaan na makamit ang 6.5 hanggang 6.9 percent na gross domestic product o GDP growth target sa taong 2018.
Ayon kasi sa Philippine Statistics Authority, nasa 6.2% lang ang GDP growth noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil sa nangyaring inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Kung wala aniyang nangyaring inflation, maaring nakamit o nahigitan pa sana ang GDP growth target noong nakaraang taon.
Pero pangako ng Palasyo, magdodoble kayod ang gobyerno ngayong taon para makamit ang 7-8 percent na GDP growth.
Ayon kay Panelo, nasa tamang landas aniya ang economic managers dahil sa mga inilatag na programa para lumago ang ekonomiya.
Iginiit pa ni Panelo na the best is yet to come dahil walang ibang hinangad ang Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Filipino.