Pagbaba sa age of criminal liability malaking kabawasan sa problema sa ilegal na droga – Duterte
Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na malaking kabawasan sa kriminalidad at problema sa ilegal na droga kung maibababa sa 12-anyos ang edad ng mga batang maaring mapanagot sa krimen.
Ayon sa pangulo, sa murang edad pa lamang kasi ay marerendahan na ng mga magulang ang kanilang mga anak na iwasang lumabag sa batas dahil pati sila ay madadamay na.
Sa panukalang batas kasi ayon sa pangulo, lalabas na may subsidiary liabilities ang mga magulang at otomatikong sila ang huhulihin kapag lumabag sa batas ang kanilang mga anak.
Tiyak aniyang mapipilitan na ang mga magulang na bantayan ng husto ang kanilang mga anak.
Una rito, sinabi ng pangulo na komportable na siya na ibaba sa dose anyos ang criminal liability ng mga bata kumpara sa naunang panukala na nuwebe anyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.