Kabiguang makamit ang target na 2018 GDP growth isinisi sa inflation
Bigo ang pamahalaan na makamit ang 2018 growth domestic product target nito para sa taong 2018.
6.2 percent GDP growth ang naitala noong 2018 na mas mababa 6.5 hanggang 6.9 percent na tinarget ng gobyerno.
Aminado naman si Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia na malaking balakid ang inflation sa economic growth.
Magugunitang naitala ang 10-year high na inflation o pagsipa ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo noong nakaraang taon.
Ito ay matapos ipatupad ang mas mataas na buwis na bahagi ng TRAIN law ng pamahalaan.
Tiwala naman si Pernia na ngayong taong 2019 ay kayang makabawi ng ekonomiya ng bansa.
Katunayan, 7 hanggang 8 percent na GDP growth ang tinarget ng gobyerno para sa 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.