Henry Sy Sr., ihahatid na sa huling hantungan ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2019 - 09:54 AM

Ihahatid na sa huling hantungan ngayong araw, Jan. 24, si Henry Sy Sr.

Sa post sa official Twitter page ng SM Supermalls, inanunsyo na ngayong araw nakatakda ang interment ni Sy sa Heritage Park sa Taguig City.

Humiling din ang pamilya Sy ng dasal.

Ang memorial contribution ay maari anilang ipadala na lamang sa scholarship program ni Sy sa pamamagitan ng SM Foundation, Inc.

Nasawi ang 94 anyos na si Sy noong Jan. 19, araw ng Sabado.

Bilang pagkilala naman sa naiambag ni Sy, ang iconic globe sa SM Mall of Asia sa Pasay at nilagyan ng mensaheng “Thank You, Tatang.”

TAGS: henry sy, SM, henry sy, SM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.