Resulta ng pagsusuri sa hinihinalang biktima ng meninggoccemia ilalabas ng Manila Health Department

By Ricky Brozas January 24, 2019 - 09:01 AM

FB Photo

Sumasailalim pa sa masusing pagsusuri ang hinihinalang biktima ng meninggoccemia na unang dinala sa Gat Andres Bonifacio Medical Hospital sa Tondo, Maynila.

Pagtitiyak naman ni Manila Health Department, Division Preventable Diseases Chief Eduardo Serrano, sa Biyernes ay maaari na nilang ilabas ang resulta ng pagsusuri sa biktima na sumasailalim sa dialysis.

Malalaman aniya kung positibo ang biktima sa naturang nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Paliwanag ni Serrano mahirap malaman kung saan galing ang sakit kaya kailangan na mag-ingat ang publiko.

Payo ni Serrano sa publiko, umiwas sa mga matataong lugar at laging magsuot ng face mask upang hindi mahawa ng sakit.

TAGS: Gat Andres Bonifacio Medical Hospital, Health, Manila Health Department, Gat Andres Bonifacio Medical Hospital, Health, Manila Health Department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.