Pero ayon sa DOTr-MRT-3, kapag ikinunsidera ang pagkakaroon ng extension sa revenue hours, kinakailangan rin ng additional working hours para sa mga train personnel dagdag pa ang gastusin sa kuryente.
Kailangan rin na ikunsidera ang dalawang dekada nang tanda ng mga tren ng MRT-3 na nangangailangan ng sapat na oras para sa preventive maintenance works nito.
Sa katunayan umano sumasailalim sa extensive rehabilitation and maintenance ang mga tren ng MRT-3 na ginagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Ang Preventive maintenance works ay ginagawa sa oras na hindi nag-ooperate ang MRT para maiwasan ang breakdowns na tumatagal ng apat na oras.
Sinabi pa ng DOTr-MRT-3 na sa ganitong paraan matitiyak nila ang maayos at ligtas na biyahe ng mga pasahero na tumatangkilik sa MRT.