Dagdag na operating hours ikinukunsidera ng pamunuan ng MRT-3

By Jong Manlapaz January 24, 2019 - 08:42 AM

Ikinukunsidera ng pamunuan ng MRT-3 ang panukala na dagdagan ng dalawang oras pa ang operating system ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) mula sa kasalukuyang schedule nito na 5:30AM hanggang 10:30PM.

Pero ayon sa DOTr-MRT-3, kapag ikinunsidera ang pagkakaroon ng extension sa revenue hours, kinakailangan rin ng additional working hours para sa mga train personnel dagdag pa ang gastusin sa kuryente.

Kailangan rin na ikunsidera ang dalawang dekada nang tanda ng mga tren ng MRT-3 na nangangailangan ng sapat na oras para sa preventive maintenance works nito.

Sa katunayan umano sumasailalim sa extensive rehabilitation and maintenance ang mga tren ng MRT-3 na ginagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Ang Preventive maintenance works ay ginagawa sa oras na hindi nag-ooperate ang MRT para maiwasan ang breakdowns na tumatagal ng apat na oras.

Sinabi pa ng DOTr-MRT-3 na sa ganitong paraan matitiyak nila ang maayos at ligtas na biyahe ng mga pasahero na tumatangkilik sa MRT.

TAGS: additional operating hours, MRT 3, additional operating hours, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.