Singaporean actor nasawi sa aksidente habang nasa military training sa New Zealand

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2019 - 08:33 AM

Nasawi sa aksidente habang nasa kasagsagan ng military training sa New Zealand ang isang sikat na aktor sa Singapore.

Tinatapos ng aktor na si Aloysius Pang ang kaniyang compulsory reservist training nang siya ay magtamo ng serious injuries.

Nagkaroon ng aksidente noong Sabado at ang 28 anyos na aktor ay isinugod sa ospital kung saan siya sumailalim sa operasyon.

Sa kabila ng operasyon ay nasawi pa rin ang aktor dahil sa matinding pinsala na natamo nito.

Si Pang ay bumida sa serye ng Chinese language TV shows at mga pelikula.

Ang mga mamamayan na lalaki sa Singapore ay obligado na sumailalim sa dalawang taon na national service sa sandaling sumapit sila sa edad na 18.

Ayon sa defense ministry ng Singapore, ikakasa ang imbestigasyon sa naging pagpanaw ng aktor.

TAGS: Aloysius Pang, military training, Aloysius Pang, military training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.