5 patay sa pamamaril sa isang bangko sa Florida

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2019 - 06:35 AM

Lima ang patay sa pamamaril na naganap sa isang bangko sa Serbing, Florida.

Ayon sa Serbing Police Department, ang suspek sa pamamaril ay nakilalang si Zephen Xaver, 21 anyos.

Mismong ang suspek umano ang tumawag sa mga otoridad para sabihin na siya ay nagpaputok ng baril sa Sun Trust Bank.

Nang dumating ang mga pulis nagtago pa ang suspek pero kalaunan ay napasuko din ng mga tauhan ng SWAT.

Nagpahatid naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Florida Gov. Ron DeSantis.

TAGS: florida, Serbing, Shooting Incident, Sun Trust Bank, florida, Serbing, Shooting Incident, Sun Trust Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.