Ayon sa PAGASA, ngayong araw, maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Quezon at Mindoro Provinces.
Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang aasahan sa Bicol Region at Romblon.
Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay bahagyang maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated light rains.
Sa buong Visayas, maulap na mayroong mga pag-ulan ang iiral sa dahil sa tail end ng cold front.
Habang maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa buong Mindanao.
Nakataas pa rin ang gale warning sa Northern Luzon at sa eastern Seabord ng Central at Southern Luzon.