Northern at Central Luzon apektado pa rin ng Amihan; tail end ng cold front umiiral naman sa Southern Luzon at Visayas

January 24, 2019 - 06:32 AM

Apektado pa rin ng Amihan ang Northern at Central Luzon habang tail end ng cold front naman ang umiiral sa Southern Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Quezon at Mindoro Provinces.

Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang aasahan sa Bicol Region at Romblon.

Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay bahagyang maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated light rains.

Sa buong Visayas, maulap na mayroong mga pag-ulan ang iiral sa dahil sa tail end ng cold front.

Habang maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa buong Mindanao.

Nakataas pa rin ang gale warning sa Northern Luzon at sa eastern Seabord ng Central at Southern Luzon.

TAGS: Pagasa, weather, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.