4 patay sa magkahiwalay na engkwentro sa QC

By Rhommel Balasbas January 24, 2019 - 04:42 AM

Patay ang apat na lalaki sa magkahiwalay na engkwentro sa mga  pulis-Quezon City simula kagabi.

Naunang nasawi ang dalawang hinihinalang miyembro ng Basag-Kotse gang matapos manlaban sa mga pulis sa Brgy. Old Capitol Site.

Nag-ugat ang operasyon laban sa dalawa matapos magsumbong sa pulisya ang biktimang si Lorenz Cordero.

Naka-park lamang sa labas ng isang fastfood restaurant ang kanyang sasakyan nang basagin ng mga suspek ang bintana nito at kunin ang kanyang laptop.

Tyempong may anti-criminality operations na isinasagawa ang mga pulis sa lugar kaya’t mabilis na natunton ang mga suspek ngunit agad na nagpaputok ang mga ito ng baril.

Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga pulis na kanilang ikinasawi.

Samantala, sa Brgy. Holy Spirit naman, patay din ang dalawang hinihinalang magnanakaw matapos makipagbarilan sa mga pulis.

Ayon kay Batasan Police Station chief Supt. Joel Villanueva, may natanggap na sumbong ang 911 tungkol sa apat na kahina-hinalang lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo.

Naabutan ng mga pulis na sinisira ng mga ito ang lock ng isang convenience store sa may Sto. Niño street.

Nagtakbuhan agad ang mga suspek pagdating ng mga pulis at sinabayan ng pagpapaputok ng mga baril.

Napatay ng mga pulis ang back riders habang nakatakas naman ang dalawa pa na nagmamaneho ng motorsiklo.

Nakuha sa crime scene ang kalibre .38 na baril.

Wala pang pagkakilanlan ang apat na suspek na napatay sa magkahiwalay na operasyon.

TAGS: 4 dead in separate encounters with QC police, QC encounter, 4 dead in separate encounters with QC police, QC encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.