3 sugatan sa sunog sa Quezon City

Sugatan ang tatlo katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Roxas District, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection Chief of Operations Chief Insp. Joseph Del Mundo, nagsimula ang apoy sa bahay ni Reynaldo Miguel pasado alas-12:34 kaninang hatinggabi.

Aminado si Miguel na nagsimula sa kanyang kwarto ang sunog dahil sa naiwanang nakasinding kandila.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay dahil pawang gawa sa light materials ang mga ito.

Naapektuhan din ng double parking ng mga residente ang pagresponde ng mga bumbero dahil hindi agad nakapasok ang mga firetrucks.

Tinupok ng apoy ang 9 na bahay kabilang ang isang apartment kung saan apektado ngayon ang anim na pamilya.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at tuluyang naapula alas-2:46 ngayong madaling araw.

Tinatayang nasa 1.5 milyon ang pinsala sa mga ari-arian base sa pagtaya ng mga imbestigador.

WATCH:

Read more...