12-anyos na batang babae, patay matapos gilitan ng leeg sa Caloocan City

By Rhommel Balasbas January 24, 2019 - 03:56 AM

Facebook photo

Natagpuan na lamang na wala nang buhay at may hiwa sa leeg ang isang 12-anyos na batang babae sa sarili nitong bahay sa Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Myrrhaquel Singson, Grade-4 student, na maagang umuwi sa kanilang bahay mula eskwela dahil examinations week.

Ayon sa kasambahay, bandang alas-3:00 ng hapon nang makita niya ang biktima na nakahandusay na lamang sa sahig.

Nasa trabaho ang ama ni Myrrhaquel na si Colenso Singson nang ipaalam sa kanya ng mga pulis ang pangyayari.

Lumalabas sa imbestigasyon na may nawawalang dalawang cellphones ngunit walang senyales na pwersahang pinasok ang bahay.

Dahil dito, posibleng ang suspek ay may may malalim na ugnayan sa pamilya.

Sinabi ni Colenso na ang kanyang bayaw ay may duplicate ng susi ng kanilang bahay.

Naligo pa nga anya ang kanyang bayaw sa kanilang bahay bandang tanghali sa kaparehong araw.

Sa Facebook, ipinahayag ni Colenso ang kanyang paghihinagpis at ipinanalangin ang hustiya para sa kanyang anak.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing krimen.

TAGS: 12 y/old girl found dead with throat slit, caloocan city, 12 y/old girl found dead with throat slit, caloocan city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.