1 patay, 1 sugatan sa studio taping ng ‘Wowowin’

By Rhommel Balasbas January 24, 2019 - 02:24 AM

Isa ang patay habang isa ang sugatan sa studio taping ng game show ng GMA-7 na ‘Wowowin’.

Sa statement na inilabas ng GMA Network at WBR Entertainment, ang insidente ay naganap alas-5:25 ng hapon ng Martes sa kasagsagan ng opening number ng game show.

Kinilala ang nasawi na si Estrella Bongot habang ang sugatan naman ay si Milagros Espiritu.

Ayon sa Security Marshal na si Roel Batang, nasa bleachers ang dalawa nang mawala sa balanse habang kumakanta at sumasayaw.

Nabalian ng buto si Espiritu habang ang ulo ni Bongot naman ay tumama sa isang fire extinguisher.

Agad na rumesponde ang in-house paramedic ng WBR Entertainment at isinugod ang mga biktima sa Delgado Hospital.

Iginiit naman ng WBR Entertainment at GMA Network na nakikiramay sila sa mga pamilya ng mga biktima at agad silang nagpaabot ng tulong sa mga ito.

TAGS: GMA 7, taping incident, Wowowin, GMA 7, taping incident, Wowowin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.