Duterte umapela sa publiko na piliin ang mga kandidato na para sa gobyerno
Ilang linggo bago magsimula ang campaign period para sa May 2019 elections ay umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko tungkol sa kung sino dapat ang ibotong mga kandidato.
Sa kanyang talumpati sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Summit sa Pasay City, sinabi ni Duterte na dapat ang iboto ay ang mga taong para sa gobyerno.
“Pagdating sa gobyerno, mamili naman kayo ng taong para sa gobyerno,” ani Duterte.
Giit ng pangulo, maawa dapat ang publiko sa bayan.
“Maawa naman kayo sa bayan niyo,” dagdag pa niya.
Matapos nito ay ibinida ng pangulo sina Christopher “Bong” Go, Francis Tolentino at Freddie Aguilar.
Nauna nang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na walang mali kung magendorso man ng mga kandidato ang presidente bago pa ang panahon ng kampanya.
Itinanggi din ni Panelo na hindi sinasadya ng pangulo na dalhin ang kanyang mga kandidato sa pagkasenador sa kanyang mga dadaluhang events.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.