Nasa biyahe na si Pope Francis para dumalo sa World Youth Day 2019 sa Panama.
Ang World Youth Day ay ang pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataan sa buong mundo na inoorganisa ng Simbahang Katolika.
Inaasahang 150,000 kabataan mula sa 155 bansa ang dadalo sa 14th WYD sa Panama.
Sa pagdating sa Panama, sasalubungin ni President Juan Carlos Varela ang Santo Papa.
Mananatili siya sa naturang bansa hanggang sa Linggo, January 27.
Samantala, inanunsyo ng Santo Papa sa mga reporters na kasama sa papal plane na bibisita siya sa Japan sa Nobyembre.
Matapos ang Panama ay nakatakdang puntahan ng lider ng Simbahang Katolika ang United Arab Emirates, Bulgaria, at Macedonia sa unang kalahati ng taon.
Sinabi na rin ni Pope Francis na nais niyang bumisita sa Iraq ngunit ayon anya sa church leaders sa nasabing bansa, hindi pa maayos ang sitwasyon sa seguridad doon.