Unang naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig eksaktong alas-9:30 kagabi sa layong 43 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng General Luna.
May lalim itong pitong kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa mga bayan ng General Luna at Burgos.
Makalispas ang halos tatlong oras o alas-12:25 kaninang madaling araw, isang magnitude 3.4 na lindol naman ang naitala.
Ang episentro ng lindol ay sa layong 29 kilometro Timog-Silangan pa rin ng bayan ng General Luna.
May lalim itong siyam na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga lindol at hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala.
Hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES