Surigao del Norte dalawang beses niyanig ng lindol

By Rhommel Balasbas January 24, 2019 - 12:43 AM

Niyanig ng dalawang lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte sa pagitan lamang ng halos tatlong oras.

Unang naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig eksaktong alas-9:30 kagabi sa layong 43 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong pitong kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa mga bayan ng General Luna at Burgos.

Makalispas ang halos tatlong oras o alas-12:25 kaninang madaling araw, isang magnitude 3.4 na lindol naman ang naitala.

Ang episentro ng lindol ay sa layong 29 kilometro Timog-Silangan pa rin ng bayan ng General Luna.

May lalim itong siyam na kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga lindol at hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala.

Hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.

TAGS: earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, surigao del norte, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.