Age limit sa paggamit ng vape isinusulong ng gobyerno
Isinulong ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang regulasyon sa paggamit ng e-cigarettes o vape kabilang ang limitasyon sa paggamit nito ng mga may edad 25 anyos o pataas.
Ang hakbang ng DOH at FDA ay bunsod ng mga aksidente na may kinalaman sa vape.
Binanggit ng naturang mga ahensya ng gobyerno ang Global Youth Tobacco Survey na nagsabing 11.7 percent ng mga estudyanteng Pilipino na may edad 13 anyos hanggang 15 anyos ay gumagamit ng vape.
Nais ng DOH at FDA na magkaroon ng age limit o minimum age sa paggamit ng e-cigarrettes.
Welcome naman sa mga medical experts ang panukala ng gobyerno para na rin sa kaligtasan at proteksyon ng mga kabataan na anila ay nagkakaroon lamang ng full maturity sa edad na 25 anyos.
Pero duda ang mga gumagawa at nagbebenta ng vape na mapipigilan at mareregulate ng FDA at DOH ang industriya ng e-cigarettes dahil marami ang nakikinabang dito sa aspeto ng negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.