Mga tauhan ng DAR na sisibakin dahil sa korapsyon, nais ipatapon ng pangulo sa Jolo, Sulu
Ipatatapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu ang mga tauhan ng Land Conversion Office sa Department of Agrarian Reform na kanyang sisibakin sa puwesto dahil sa isyu ng korapsyon.
Sa talumpati ng pangulo sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Summit sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, sinabi ng pangulo na aatasan niya ang Abu Sayyaf Group na kidnapin ang mga taga – Land Conversion Office.
Dismayado ang pangulo dahil inabot ng dalawang taon ang conversion ng mga lupa sa ilang lugar mula agricultural patungong forestall o commercial.
Payo pa ng pangulo sa mga taga – Land Conversion Office maghanap na lamang ng ibang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.