Kamara kumambyo sa panukalang edad sa “age of criminal responsibility”

By Len Montaño January 23, 2019 - 07:08 PM

Makalipas ang dalawang araw na deliberasyon sa plenaryo, inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na ibaba ang age of criminal responsibility.

Pero mula sa dating edad na nueve anyos na inaprubahan ng House Justice Committee, ang edad na lumusot sa 2nd reading ay 12 anyos.

Ayon kay committee chairperson Rep. Salvador Leachon, na nag-sponsor ng bill sa plenaryo, ang pagbabago sa edad ng pananagutan sa 12 anyos mula siyam na taong gulang ay consensus ng mayorya ng mga kongresista na kanyang kinonsulta.

Umani ng batikos mula sa iba’t isang sektor ang panukalang batas dahil sa kawalan umano ng sapat na programa at pasilidad para sa rehabilitasyon ng nagkasalang kabataan.

Ayon kay Leachon, maraming kongresista ang may reservation sa orihinal na panukalang edad na siyam na taong gulang.

Mahigit 160 na miyembro ng Kamara anya ang payag na baguhin ang unang panukalang edad na nueve anyos sa 12 anyos.

Kasabay nito, sa inamyendahang panukala ay pinalitan ang terminong “criminal” sa “social” responsibility.

Isiningit din sa binagong panukala ang mga probisyon sa pagtatayo at pagpondo sa Bahay Pag-asa kung saan mapupunta ang batang nagkasala sa batas.

 

Itinanggi naman ni Leachon na minadali ang bill dahil dumaan anya ito sa 11 committee meetings at apat na technical working group meetings mula pa noong 2016.

TAGS: age of criminal responsibility, Congress, leachon, second reaDING, age of criminal responsibility, Congress, leachon, second reaDING

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.