DOJ nanindigan na tamang ibaba ang “age of criminal responsibility”

Nagsumite ang Department of Justice (DOJ) ng posisyon sa isyu ng pagbaba ng age of criminal liability.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa hiling ng Office of the President ay nagsumite sila ng position paper sa panukalang ibaba sa siyam na taong gulang ang pananagutan ng batang nagkasala sa batas.

Ipapaubaya ng ahensya sa Malakanyang na suriin ang kanilang rekomendasyon at isapubliko ito.

Noon pang 2016 ay ipinahiwatig na ng DOJ ang posisyon nito sa usapin.

Ipinanukala ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ang age of criminal liability ay pwedeng ibaba sa edad na 13 anyos.

Read more...