Baril na ginamit sa pagpatay kay Batocabe natagpuan na

File photo

Natagpuan sa isang palaisdaan sa Ligao City, Albay ang isa sa mga baril na ginamit sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, Criminal Investigation Detection Group (CIDG) director, nakita ang baril sa palaisdaan sa Purok 3 sa Barangay Busay.

Pinaniniwalaan na ang nakitang baril ang ginamit ng isa sa mga gunmen na si Henry Yuson.

December 22, 2018 nang patayin si Batocabe sa gitna ng pamimigay ng mga regalo sa Daraga.

Si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang itinuro ng anim na suspek na utak sa pagpatay sa kongresista.

Naaresto si Baldo kahapon dahil sa kasong illegal possession of firearms pero dinala ito sa ospital matapos sumpungin ng hika.

Bago dito ay narekober sa bahay mismo ni Baldo ang sasakyan na umanoy ginamit na get-away vehicle ng mga suspek.

Read more...