Kasabay ng pag-uwi ng mga APEC delegates, NAIA binulabog ng bomb threat
Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang umano’y tawag sa telepono na nananakot at nagsabing mayroon umanong pasasabuging bomba sa airport.
Ayon sa MIAA Media Affairs Office, isang tawag ang natanggap bago mag alas 6:00 ng umaga.
Ang nakatanggap ng tawag ay ang Airport Police Desk sa NAIA terminal 1 at sinasabing may itinanim na pampasabog sa hindi naman tinukoy na bahagi ng paliparan.
Kaagad din umanong ipinakalat ang K9 units para magsagawa ng paneling.
Hindi naman nabubulabog ang mga nasa airport at tiniyak ng MIAA na sinuyod ang lahat ng bahagi ng paliparan maging ang curbside area at parking area.
Nag-negatibo naman sa anumang pampasabog ang Airport matapos ang pagsisiyasat pero sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang surveillance operation bilang tugon sa nabanggit na bomb threat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.