Kaliwang mata ni Pacquiao kailangan lang ipahinga ayon sa kanyang adviser

By Den Macaranas January 23, 2019 - 03:27 PM

AP

Nilinaw ng kampo ni People’s Champ Sen Manny Pacquiao na hindi seryoso ang tinamo nitong pinsala sa kanyang kaliwang mata sa kanilang laban ni Adrien Broner noong Linggo.

Bilang patunay ay aabutin lamang umano ng limang araw at magaling na ang gasgas sa kaliwang mata ni Pacquiao.

Sinabi ni Michael Koncz, isa sa mga adviser ni Pacquiao na sinuri na ng ilang eye experts sa US ang mata ng pambansang kamao at kailangan lamang umano itong ipahinga ng ilang araw.

Ito rin ang naunang pahayag ni Dr. Regina Bagsic na siyang closed-in doctor ng Pinoy Champ.

Bukas ay nakatakda na ring umuwi sa bansa si Pacquiao kasama ang Team Pacquiao.

Inaasahan naman na ihahayag ng pambansang kamao sa kanyang pagdating kung tuloy ba o hindi ang hinihintay na muli nilang paghaharap ng world undefeated na si Floyd Mayweather Jr.

TAGS: broner, eye, mgm, michael koncz, Pacquiao, broner, eye, mgm, michael koncz, Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.