“JoyRulbee” ng China kakasuhan ng Jollibee

Photo: Christopher Guzman

Magsasampa ng kaukulang kaso ang Jollibee Foods Corp. (JFC) laban sa isang fastfood restaurant sa China dahil sa copyright infringement.

Sa isang pahagay, sinabi ng JFC na inihahanda na ng kanilang legal team ang kanilang isasampang reklamo para ma-protektahan ang kanilang pangalan at interes.

Ito ay makaraang gayahin ng fast food outlet na “JoyRulBee” ang logo, kulay at character sa sikat na fast food chain na Jollibee.

Ang Jollibee ay may mga branches at sampung taon nang nagnenegosyo sa China ayon pa sa kanilang pahayag.

Kamakailan ay naging viral ang video at larawan ng “JoyRulBee” na matatagpuan sa Guangxi, China.

Bukod sa logo, kahalintulad rin ng mga produkto ng Jollibee ang ibinebenta ng “JoyRulBee”.

Read more...