Mga residente ng Sulu bumoto ng NO para sa ratipikasyon ng BOL

Contributed Photo

Bumoto ng ‘NO’ para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law ang nakararaming residente sa Sulu.

Ang Sulu ang unang lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakakumpleto ng kanilang canvassing matapos ang idinaos na plebisito noong Lunes para sa BOL.

Base sa Certificate of Canvass mula sa Sulu, lumitaw na 163,526 ang bumoto ng “NO” habang 137,630 naman ang bumoto ng “YES.”

May nakita namang discrepancy sa tally ng boto sa naturang dokumento, kung saan nakasaad na 301,196 ang total sa halip na 301,156.

Naging payapa naman sa pangkalahatan ang plebisito na idinaos sa Sulu.

Read more...