Alas 5:00 ng umaga kanina, naitala ang 11.2 degrees Celsius sa Baguio City.
Mas tumaas ng bahagya ang temperatura kumpara sa naitalang 10.4 degrees Celsius.
Patuloy naman ang payo ng Baguio City Health Service sa mga residente at rusita sa lungsod na maging maingat sa kalusugan.
Ayon kay Larry Esperanza ng PAGASA – Baguio, inaasahan pang bababa ang temperatura sa lungsod sa susunod na mga araw.
Taun-taon kasi ay kapag Pebrero nakapagtatala ng mababang temperatura sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES