Ambush sa alkalde sa Cebu at kaniyang mister kinondena ng Malakanyang
Mariing kinondena ng palasyo ng malakanyang ang pananambang kay San Fernando, Cebu Mayor Lakambini Reluya.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, binabalaan ng palasyo ang mga kandidato na gumagamit ng karahasan para lamang manalo sa eleksyon.
Giit ni Panelo, gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraang legal para matuldukan ang karahasan sa bansa.
Sa ambush kahapon, napatay ang asawa ni Reluya at dalawang bodyguard habang nasugatan lamang ang mayor.
Ayon kay Panelo, ipinapanalangin ng palasyo ang agarang paggaling ni Reluya.
Inatasan na aniya ng palasyo ang Philippine National Police (PNP) na mahigpit na imonitor ang mga lugar na ikinukunsiderang election hotspots at mahigpit na ipatupad ang batas.
Ayon kay Panelo asahan na ng mas iinit ang political rivalry sa bansa dahil election period na kung kaya dapat na maging alerto ang publiko.
Pero hindi aniya ito hahayaan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil pinatitiyak sa mga otoridad na magkakaron ng maayos at mapayapang eleksyon sa Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.