Tatlong umano ay ISIS supporters inaresto sa paliparan sa US

Gerald Ford Airport

Tatlong American citizens ang inaresto sa Michigan dahil sa pagiging supporters umano ng Islamic State group.

Ang tatlong suspek na nasa edad bente ay magkakaanak umano at mayroong video nila habang naghahayag ng suporta sa ISIS.

Sa nasabing recorded video tinatalakay din ng tatlo ang isasagawa dapat na car attack sa AMerika.

Ang tatlo ay nadakip sa Gerald Ford Airport sa Grand Rapids.

Kinilala ang mga naaresto na sina Muse Abdikadir Muse, 23 anyos; kaniyang kapatid na si Mohamud Abdikadir Muse, 20 anyos at isa pang kaanak na si Mohamed Salat Haji, 26.

Ang tatlo ay pawang mamamayan ng Kenya pero naturalized citizens sa Amerika.

Simula pa April 2016 ay binabantayan na ng mga otoridad ang nakatatandang Muse.

Read more...