Ginang na parking attendant at nagsa-sideline bilang tulak ng droga arestado sa Maynila

By Ricky Brozas January 23, 2019 - 09:03 AM

MPD Photo

Huli sa iligal na droga ang isang ginang makaraang magkasa ng buy-bust operation ang Meisic Police Station -11 alas 5:15 umaga ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na ginang na si Rowena Santiago, 32-anyos, parking attendant at residente ng Samploc, Manila.

Pero bukod sa pagiging parking attendant ay nagsa-sideline pala ang suspek bilang tulak ng droga.

Ayon sa mga umarestong pulis na sina PO2 Weddirico Alonzo at PO2 Mark John Manguera ng Station Drug Enforcement Team, nabawi sa suspek ang 13 pirasong sachet ng shabu, isang coin purse na naglalaman ng P300 na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyan nang nakaditine sa Meisic Police Station-11 si Santiago habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya sa piskalya ng Maynila.

TAGS: drug suspect, manila police, drug suspect, manila police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.