South Korean President, Papua New Guinea Prime Minister, nakaalis na rin ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2015 - 11:17 AM

DEPARTURE 4Nakaalis na rin ng bansa si South Korean President Park Geun-hye matapos ang kaniyang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) summit.

Nakaalis sa Ninoy Aquino International Airport ang sinakyang eroplano ni Park mag-alas 10:30 ng umaga.

Si Park ang kauna-unahang babaeng presidente sa South Korea. Siya anak ni dating president Park Chung-hee.

Itinanghal din noon si Park bilang pang labing-isa sa “The World’s 100 Most Powerful Women” list ng Forbes Magazine.

Halos sabay ding na umalis ng bansa si Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill bago may 10:30 ng umaga.

Si O’Neill at Pangulong Aquino ay nagka-usap noong Martes para igiiit ang kani-kanilang commitment na palakasin ang people-to-people ties.

Nagpasalamat ang Prime Minister sa Pilipinas na nag-e-export ng bigas sa Papua New Guinea, gayundin sa kontribusyon ng mga Filipino teachers sa nasabing bansa.

 

TAGS: Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill, South Korean President Park Geun-hye, Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill, South Korean President Park Geun-hye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.