Sasakyang ginamit sa pagtakas ng mga suspek sa pagpatay kay Rep. Batocabe natagpuan din sa bahay ni Mayor Carlwyn Baldo

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2019 - 07:53 AM

PNP Photo
Narecover sa bahay ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang sasakyan na hinihinalang ginamit bilang getaway vehicle ng mga suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Party List Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay C/Supt Amador Corpus, CIDG Acting Director, sa ginawang pag-aresto kay Baldo sa kaniyang bahay sa Brgy. Tagas sa Daraga, nakuha ang isang Isuzu Altera na may plate number BCW-941.

Ang naturang sasakyan ang pinaniniwalaang ginamit ng gunmen na bumaril kina Batocabe at police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz noong December 22.

Ang naturang sasakyan at ang mga armas na na-recover kay Baldo ay isasailalim sa forensic examination para matukoy kung tutugma ang mga ito sa mga ebidensyang nakuha sa lugar kung saan pinaslang sina Batocabe at Diaz.

Si Baldo ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms at RA 9516 Illegal Possession of Explosives.

TAGS: Carlwyn Baldo, Rep. Batocabe, Carlwyn Baldo, Rep. Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.