LOOK: Ikatlong Dalian train set nagsimula ang bumiyahe ngayong araw

By Jong Manlapaz January 23, 2019 - 07:42 AM

MRT3-DOTr Photo

Nagsimula nang bumiyahe ngayong araw ang ikatlong train set ng Dalian train.

Ito ay matapos na makumpleto ang 1,000 kilometers commissioning test nito.

Ang ikatlong Dalian train ay ginamit na sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong umaga para kumpletuhin ang 150 hours validation testing.

Magsisilbi ito sa mga mananakay ng MRT-3 mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi simula ngayong araw, Jan. 23 hanggang sa February 1, 2019.

Una nang naideploy ang first train set ng Dalian noong October 27, 2018 hanggang November 21, 2018, habang ang ikalawang Dalian train set ay noong December 11 2018 hanggang December 23, 2018.

 

TAGS: Dalian Trains, Metro Rail Transit, Radyo Inquirer, Dalian Trains, Metro Rail Transit, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.