1 patay, mag-ina nawawala sa flash flood sa Manay, Davao Oriental

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2019 - 07:14 AM

FB Photo: Province of Davao Oriental

Isa ang nasawi habang dalawa pa ang nawawala sa flash flood na naganapo sa bayan ng Manay sa Davao Oriental.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasawi ang 38 anyos na babae nang rumagasa ang tubig-baha sa kaniyang bahay habang sya ay natutulog sa Brgy. San Ignacio.

Patuloy naman ang paghahanap sa nawawalang dalawa pa na isang 9 na taong gulang na batang babae at kaniyang ina na 38 anyos.

Tiniyak naman ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang na bibigyan ng tulong ang mga naapektuhang pamilya.

Tumulong na rin ang mga tauhan ng 67 Infantry Battalion ng Philippine Army para mahanap ang mag-inang nawawala.

Sa datos ng PDRRMC, tinatayang 13,429 na katao ang naapektuhan ng flash flood sa Manay.

50 mga bahay din ang totally damaged.

TAGS: davao oriental, flash flood, Manay, davao oriental, flash flood, Manay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.