Vice mayoral candidate at 2 niyang kasama patay sa ambush sa Cebu

Patay sa pananambang ang vice mayoral candidate sa San Fernando, Cebu habang nakaligtas naman ang kaniyang misis na alkalde sa lugar.

Ayon sa Cebu Police Provincial Office, nasawi sa ambush si San Fernando vice mayoral candidate Ricardo Reluya Jr. at dalawa niyang kasama na sina Allan Bayot at Ricky Monterona.

Naganap ang pananambang sa Barangay Linao, Talisay City, Martes ng gabi.

Nakaligtas naman sa nasabing pag-atake si San Fernando Mayor Lakambini Reluya.

Magkasama sina Mayor Reluya at asawa niyang Ricardo Jr. nang mangyari ang pananambang.

Maliban sa alkalde, ligtas din ang dalawang iba pang kasama ng mag-asawa.

Read more...