LPA na dating si Bagyong Amang malulusaw sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2019 - 06:29 AM

Patuloy na maaapektuhan ng Low Pressure Area na dating Bagyong Amang ang Eastern Visayas.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 55 kilometers northeast ng Borongan, Eastern Samar.

Ayon kay PAGASA weather specialist Cris Perez, posibleng malusaw sa susunod na 12 hangang 24 na oras ang naturang LPA.

Dahil sa nasabing LPA, magiging maulap ang papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan ang Samar at Leyte Provinces.

Dahil naman sa amihan nakataas pa rin ang gale warning sa baybayin ng Luzon at sa karagatan ng northern Samar area.

Pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyang pandagat na huwag na lamang munang pumalaot dahil sa mataas na alon.

TAGS: LPA, Pagasa, weather, LPA, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.